Tuesday, October 25, 2005

ASIN


Asin on tour in Canada

"Maalat Pa Rin!" Part 3

Tinalakay nina Lollita Carbon at Pendong Aban ng Asin kung paano nagbago ang folk music sa Pilipinas mula noong 1970s, at kung ano pa ang nais nilang maabot bilang mga musikero.

LISTEN/PAKINGGAN

Monday, October 24, 2005

ASIN

"Maalat Pa Rin!" Part 2

Bakit Asinang pinling pangalan ng grupo nina Lolita Carbon at Pendong Aban? Malalaman ninyo ang sagot sa ikalawang bahagi kung saan ikukuwento nila kung paano nagsimula ang grupo.

LISTEN/PAKINGGAN

At nagtataka siguro ang ilan sa inyo kung bakit "Maalat Pa Rin!" ang pamagat ng kabanatang ito. Malalaman ninyo sa ikatlo at huling bahagi.

Sunday, October 23, 2005

ASIN


Sina Lolita at Pendong kasama si Apl de ap


"Maalat Pa Rin!"

Sina Lolita Carbon at Pendong Aban ang dalawa sa apat na orihinal na miyembro ng Asin, ang folk group na naging kilala sa kanilang pag awit ng tungkol sa karaniwang buhay sa Pilipinas. Kinagiliwan ng laksa laksang mga manggagawa, magsasaka, kabataan at marallitang tagalunsod ang kanilang musika.
Nadinig ninyo siguro ang pinaka sikat nilang fan, si Apl de Ap, na sinabing ang ASIN ang pinaka paborito niyang grupo sa Pilipinas. Sa Part 1 ng kuwentuhan namin, pinag usapan nina Lolita at Pendong ang kanilang tour sa Canada, ang pakikipag-kaibigan nila kay Apl at ang malungkot napagpanaw ng isang dating miyembro ng grupo, si Saro Benares.

LISTEN/PAKINGGAN

Monday, October 10, 2005

APL.DE.AP
"Ang Palayaw ni Apl Ay..."

Alam ninyo ba'ng tawag kay Apl.de.ap sa Sapang Bato noong bata pa siya? Si Apl mismo ang sasagot. "Ang palayaw ni Apl ay," sabi niya sabay kunwaring magdadrumroll. Pero hindi ko muna sasabihin. Malalaman ninyo pag pakinggan ninyo pag-uusap namin noong July sa Chronicle Podcasts. May kasama pang sample rap mula sa "Bebot." Ang storya ko mababasa ninyo dito.

Sari-sari ang naging reaksyon sa storya at sa interbyu.

Journalist John Nery took some time off from his engaging analyses of the crisis in the Philippines to mention the story and the podcast in his
Newsstand blog.

Ito naman ang sabi ng isang manunulat na medyo hindi ata nagustuhan ang aking Tagalog na may puntong Cubao. "I dunno... Ben Pimentel (of Cubao?) spoke Tagalog with a slight accent. Apl. de. ap's Tagalog sounded more fluent. His Tagalog rap sounded like it was coming from a next-door neighbor here in Manila. Pinoy na pinoy talaga ang dating." (Sabi ko na nga ba, dapat hindi ako masyadong tumambay sa Ali Mall at Fiesta Carnival e.)

Nakakaaliw naman ang sulat ng makata at peryodistang Lina Sagaral Reyes na inimbita ang ibang kaibigan para basahin ang kuwento at pakinggan ang podcast:

"Simpleng mga tanong at simpleng mga sagot. Nagtelebabad. Nagtatawanan. Laughter.
They spoke of
home, family, nanay
,
country,
death, living, creating,
Song.

Kayud, kamay, kapatid, kanto, kultura. Matters.

What matters. Most.

"I-try nga ninyong pakinggan. Bagong pakulo ito sa internet na ang tawag ay podcast. Alam nyo na siguro ninyo. Ito'y naka-blog sa website ng peryodikong San Francisco Chronicle,
"radio-to-go," 'ika nga ng BBC, ala McDo, kung ang kwento't balita'y fried chicken o burger... mabibitbit mo, ida-download mo kung kailan mo gusto, pakikinggan mo kahit saan ka man. Ang linya nila'y : "Listen to your newspaper." Ang mga kwento sa likod ng mga kwento. Ang blog ay – paano ba ito i-explain sa inyo na 'di man nakaalis sa mga pilapil ng San Pascual, Ubay, Bohol o nakakita man lang ng computer sa Sumilao, Bukidnon?


"Parang baon na nakabalot sa dahon ng saging na pwedeng mong pakpakin kung saan ka man datnan ng gutom. Yon nga lang, hindi ito tungkol sa gutom, at walang dahon ng saging. Basta. Ito'y tungkol sa ibang dimension ng gutom, sa ibang uri ng pagkain.


"Parang radyo na naka-"tape record", at pagkatapos naka-bodega sa isang bodegang kahit saan mo mabubuksan, ganun na nga, kung alam mo paano mabubuksan."


Tigil na muna ako dito. 'Kinig na tayo kay Pareng Apl.

LISTEN/PAKINGGAN

Sunday, October 09, 2005

APL.DE.AP
The Apl Story
The journey of Allan Pineda, a.k.a Apl.de.apof the Black Eyed Peas, from Barrio Sapang Bato, Pampanga to the top of the music world has inspired many Filipinos all over the world. We had a chat about his odyssey last July. My story in the San Francisco Chronicle and the podcasts of our conversations ran in August. This is the interview that really got me hooked on Podcasting, and made me realize how this new medium can be used to tell our story, our diaspora.
Coming up next, the Tagalog-English portion of my conversation with Apl.

Saturday, October 01, 2005

RENE CIRA CRUZ

An Exile's Tale Part 3

Rene Ciria Cruz takes us back to his hometown of Pandacan, Manila where some of the great Filipino heroes of the Spanish era lived and where a group of brave, though overeager patriots, joined the 1896 revolution against the conquistadors -- a day ahead of schedule.

LISTEN/PAKINGGAN

RENE CIRIA CRUZ
An Exile's Tale Part 2
Rene Ciria Cruz talks about his battle with cancer and how he struggled with the question: With the fight against dictatorship over, is it time for him to go home?

He also talks about his new role as an advocate for a rapidly-growing and increasingly important pillar of American journalism, the ethnic media. He cites the Hurricane Katrina disaster in which Korean and Vietnamese newspapers and radio stations played critical roles in helping immigrant communities.

LISTEN/PAKINGGAN
RENE CIRIA CRUZ
An Exile's Tale
Nearly 20 years ago, writer and activist Rene Ciria Cruz joined thousands of Filipinos on San Francisco's Union Square where they danced, sang, cried and popped champagne bottles. They were celebrating the fall of Marcos. There was only one problem -- they had only one song for the party and they played it over and over again. Find out which one in Part 1 of a three-part podcast. Also, listen to Rene's thoughts on the current crisis in the Philippines.
Rene is an editor at New California Media and at Filipinas magazine.

LISTEN/PAKINGGAN