Alam ninyo ba'ng tawag kay Apl.de.ap sa Sapang Bato noong bata pa siya? Si Apl mismo ang sasagot. "Ang palayaw ni Apl ay," sabi niya sabay kunwaring magdadrumroll. Pero hindi ko muna sasabihin. Malalaman ninyo pag pakinggan ninyo pag-uusap namin noong July sa Chronicle Podcasts. May kasama pang sample rap mula sa "Bebot." Ang storya ko mababasa ninyo dito.
Sari-sari ang naging reaksyon sa storya at sa interbyu.
Journalist John Nery took some time off from his engaging analyses of the crisis in the Philippines to mention the story and the podcast in his Newsstand blog.
Ito naman ang sabi ng isang manunulat na medyo hindi ata nagustuhan ang aking Tagalog na may puntong Cubao. "I dunno... Ben Pimentel (of Cubao?) spoke Tagalog with a slight accent. Apl. de. ap's Tagalog sounded more fluent. His Tagalog rap sounded like it was coming from a next-door neighbor here in Manila. Pinoy na pinoy talaga ang dating." (Sabi ko na nga ba, dapat hindi ako masyadong tumambay sa Ali Mall at Fiesta Carnival e.)
Nakakaaliw naman ang sulat ng makata at peryodistang Lina Sagaral Reyes na inimbita ang ibang kaibigan para basahin ang kuwento at pakinggan ang podcast:
"Simpleng mga tanong at simpleng mga sagot. Nagtelebabad. Nagtatawanan. Laughter.
They spoke of
home, family, nanay,
country,
death, living, creating,
Song.
Kayud, kamay, kapatid, kanto, kultura. Matters.
What matters. Most.
"I-try nga ninyong pakinggan. Bagong pakulo ito sa internet na ang tawag ay podcast. Alam nyo na siguro ninyo. Ito'y naka-blog sa website ng peryodikong San Francisco Chronicle, "radio-to-go," 'ika nga ng BBC, ala McDo, kung ang kwento't balita'y fried chicken o burger... mabibitbit mo, ida-download mo kung kailan mo gusto, pakikinggan mo kahit saan ka man. Ang linya nila'y : "Listen to your newspaper." Ang mga kwento sa likod ng mga kwento. Ang blog ay – paano ba ito i-explain sa inyo na 'di man nakaalis sa mga pilapil ng San Pascual, Ubay, Bohol o nakakita man lang ng computer sa Sumilao, Bukidnon?
"Parang baon na nakabalot sa dahon ng saging na pwedeng mong pakpakin kung saan ka man datnan ng gutom. Yon nga lang, hindi ito tungkol sa gutom, at walang dahon ng saging. Basta. Ito'y tungkol sa ibang dimension ng gutom, sa ibang uri ng pagkain.
"Parang radyo na naka-"tape record", at pagkatapos naka-bodega sa isang bodegang kahit saan mo mabubuksan, ganun na nga, kung alam mo paano mabubuksan."
Tigil na muna ako dito. 'Kinig na tayo kay Pareng Apl.
LISTEN/PAKINGGAN
8 Comments:
Hay, salamat at natapos rin ang mahabang pasakalye tungkol sa podcast ... Iba ang dating nito. Mas casual. Ano nga ba ang "theme music" ng K K? Fandanggo ba 'yan? Bakit 'yan ang ginamit, sa dami ng Pinoy folk songs o OPM?
Inyong Tagapakinig
Sensya na, medyo mas mahaba ang text nitong huli. Lumabas na kasi ang podcast na ito noong Agosto kaya naisipan kong magpaliwanag at magsali ng mga naging reactions.
Iyong theme music ang pamagat e "Pandango ni Bobby" ng isang FilAm group, Bobby Banduria. Pinaliwanag ito ni Theo Gonzalves, aka Doctor Boogienights, sa kaunaunahang podcast ng Kuwento Kuwento. Susubukan ko rin ang ibang kanta sa mga darating ng podcast. Muli, maraming salamat sa yong pagtangkilik sa Kuwento Kuwento.
Ben
thanks for the interview.
masaya. one can really sense that 'nognog' is a good person and has a great heart.
for ben, oo nga. kakatuwa na ang tagalog mo pero okay pa rin.
good job!
Salamat at buti nagustuhan mo ang interbyu... Kahit medyo masakit tanggapin na nakakatawa na pala ang Tagalog ko.:( (biro lang) Pero totoo ang sabi mo. Madaling kausap si Apl at halatang Pinoy na Pinoy pa ang sensibilidad. Salamat muli. Marami pang mga kuwentong darating.
Ben
galing naman! mabuti naman, yung podcast sa chronicle ay wala atang Tagalog, mabuti at dito mo inilagay. na download ko sa psp ang interview at pinakinggan namin ng friends ko..buti hindi na offend si Apl sa palayaw niya..
Tru Pinoy, Salamat. Meron ding Tagalog doon sa Chronicle Podcasts pero nasa special section. Oo nagulat din ako sa palayaw ni Apl. Pero sa atin naman yong mga parang tunog tukso o insulto minsan nagiging palayaw na rin di ba. Iba lang nga siguro kung dito sa Amerika.
Sinusubukan kong mainterbyu ang Asin. Abangan ninyo.
Sa iyo at anak mo yong Mundo ni Sofia di ba? Kakatuwa iyon. Ingat.
I think Asin is on tour, sa East Coast or Canada. Yes yung daughter ko nga ang sa "mundo ni sofia" podcast, ginawa ko kasi mahiyain ba, gusto kung masanay makipag communicate, maybe podcast ay makatulong at ma overcome yung pagkamahiyain...peace..
Hi Truepinoy,
Magandang idea iyan. Yong 6 yr old ko ring anak (yong boses niya yong nasa intro) nagugustuhan ding mag record ng mga kanta at kung anu ano.
Kaiintebyu ko lang sa Asin (Lolita at Pendong) at ipopost ko sa Linggo. Nagtutour nga sila sa Canada. Ingat.
Ben
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home